--Ads--

Nagpahayag ng pagdududa si Vice President Sara Duterte sa naging resulta ng katatapos na 2025 senatorial race sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Kuala Kumpur, Malaysia, nagpahayag ng paniniwala si VP Sara na dapat na nakakuha ng puwesto sa Senado ang iba pang kandidato sa kanilang senatorial slates, gaya nina Jayvee Villanueva Hinlo, Jr., Jimmy Bondoc, at Richard Mata.

Sinabi rin ng bise presidente na kumonsulta na siya sa mga eksperto sa information technology at maging ang mga ito ay duda rin sa resulta ng eleksiyon.

Kaugnay nito, hinikayat din ni VP Sara ang PDP Laban na kuwestiyunin kung paano isinagawa ang eleksiyon, partikular ang proseso ng bilangan.

--Ads--

Dagdag pa niya, ibinase niya ang kanyang obserbasyon sa 2022 elections.