Hinamon ni Vice President Sara Duterte si Ombudsman Crispin Remulla na simulan na ang pag-imbestiga sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Net Worth (SALN).
Sa ambush interview sa Mati City, Davao Oriental, sinabi rin ni VP Sara na ipagpapasa-Diyos na lamang nila ang mga gagawin ni Remulla bilang Ombudsman.
Tumanggi rin muna si VP Sara na magkomento sa pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa kahilingang interim release ng dating Pangulong Duterte.
Hindi rin nagbigay ng komento ang Pangalawang Pangulo sa plano ng Kamara na ibalik sa P700-M ang budget ng Office of the Vice President para sa taong 2026 dahil sa hindi niya pagdalo sa pagdinig ng Kapulungan.
Ayon kay VP Sara, uunahin muna niya ang pakikipagsimpatiya sa mga biktima ng sunud-sunod na lindol sa bansa.











