--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagbitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) si Vice President Sara Duterte ngayong araw.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, nagtungo ngayong araw sa Malacanang si Vice President Sara Duterte upang ihain ang kanyang resignation bilang kalihim ng Department of Education at Vice Chairperson ng NTF Elcac na magkakabisa sa July 19, 2024.

Sa Facebook post ng Presidential Communications Office (PCO) kaniang hapon nang magtungo sa Malacañang si Duterte para ipaalam kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang pagbitiw sa posisyon.

Wala namang binanggit na rason si Duterte kaugnay sa kanyang resignation.

--Ads--

Magpapatuloy naman siya sa kanyang tungkulin bilang Vice President.

Sa naging pahayag ng bise presidente na bagamat hindi na siya ang tatayong kalihim ng edukasyon, ipagpapatuloy pa rin niya ang dekalidad na edukasyong nararapat sa mga Pilipino.

Samantala, tinanggap naman ng Presidente ang resignation ni VP Sara.