--Ads--

Hindi dumalo si Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng kongreso sa 2025 budget ng Office of the Vice President. 

Sa sulat kay House Speaker Martin Romualdez, ipinaliwanag ni Vice President Duterte na naisumite na nito ang mga kailangang dokumento at naibahagi na rin nito ang kanyang posisyon kaugnay sa kanilang panukalang budget.

Dakong alas nuebe ng umaga sana mag-uumpisa ang pagdinig subalit nagpasya si Committee Senior Vice Chairperson Rep. Stella Quimbo na hintayin pa ang Vice President ng isang oras.

Tinawag naman ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na “bratinella to the max” ang vice president dahil sa hindi nito pagdalo sa pagdinig.

--Ads--

Una nang inakusahan ni Duterte ang mga mambabatas na pinupulitika ang pagdinig sa kanilang panukalang P2.03-billion OVP budget para sa 2025.