CAUAYAN CITY -Ginahasa umano ang isang waitress ng magpinsang lalaki na kapwa residente ng barangay Minante 2, Cauayan City sa barangay Faustino.
Ang biktima ay itinago sa pangalang Nena,29 anyos habang ang mga suspek ay sina Berto, 35 anyos, isang magbabakal at pinsang si Epoy, 28 anyos, isang helper.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng asawa ni Nena na nagpaalam sa kanya ang maybahay na magtutungo sana sa bahay ng kanilang lola sa tuhod at nang pauwi na ay dumaan sa isang kabarangay.
Batay pa sa salaysay ng biktima sa kanyang asawa, niyaya umano si Nena ng kanyang kabarangay para makipag-inuman at nakainuman ang apat na lalaki kasama ang magpinsan na pinaghihinalaan.
Gabi na ng pauwi ang biktima na sinundan ng mga suspek at doon na hinalay ng dalawa.
Mariin namang itinanggi ng dalawang suspek na ginahasa ang biktima at sinabi pa ni Berto na may relasyon sila ni Nena.
Habang sinabi ni Epoy na hindi niya nagahasa ang biktima dahil sa sobrang kalasingan
Hindi anya nakapanlaban ang biktima dahil baka paslangin siya ng magpinsan
Inamin naman ng magpinsan na ginawan nila ng kahalayan ang biktima ngunit hindi umano sapilitan.
Ayon kay Berto mayroon silang relasyon ng biktima at dalawang beses na umano niyang nagalaw.
Ayon naman kay Epoy, sa kanya nagpahatid ang biktima at sinundan sila ng pinsan at sila ang nagyakapan at doon anya may nangyari sa dalawa.
Sinabi pa ni Epoy na walang nangyari sa kanila dahil sa sobrang kalasingan.











