--Ads--

CAUAYAN CITY – Bihira na ang mga nahuhuli na naninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa San Mateo, Isabela.

Batay sa pagpapahayag ng mga enforces na nakaugnayan ng Bombo Radyo Cauayan, alam na kasi ng mga naninigarilyo na bawal ang manigarilyo lalo na sa mga pampublikong lugar sa Poblacion area .

Pinayuhan ni Barangay Kagawad Francisco Bautista ng San Mateo na kung meron naman silang nakikitang naninigarilyo ay agad nilang binibigyan ng citation ticket upang sila’y magmulta.

Subalit ayon kay Barangay Kagawad Francisco kung ihahambing sa mga nakaraang mga taon halos 10 o mahigit pa ang kanilang nahuhuli sa loob ng isang araw subalit ngayon ay mahirap nang makahuli kahit isa lang .

--Ads--

Naniniwala silang ang malaking multang P/500.00 sa unang paglabag, P/1,000.00 multa sa pangalawang paglabag at P/1,500.00 sa ikatlong paglabag ang ikinatatakot ngayon ng mga mamamayan.

Pinaalalalahanan din nila ang mga nasa paradahan, tindahan at karinderya sakaling may mga nakikitang upos ng sigarilyo.

Anya maaari din silang magmulta sakaling paulit-ulit silang makakita ng upos ng sigarilyo sa naturang mga lugar.