--Ads--

CAUAYAN CITY – Wala pang matukoy ang mga kasapi ng Cabatuan Police Station na suspek sa pagbaril at pagpatay sa  cook ng isang karinderia   sa barangay Magdalena, Cabatuan, Isabela.

Ang biktima ay si  Manuel Limon, 49 anyos, walang asawa  at  residente ng Purok 2, Magdalena, Cabatuan, Isabela.

Ang biktima ay nag-aayos ng mga pagkaing ititinda sa karinderia  nang pagbabarilin  ng hindi  pa nakilalang salarin.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan wala pang matukoy na motibo ang pulisya sa pagpatay sa biktima.

--Ads--

Nauna nang inihayag  ni  Ginoong Delfin Santos, tiyuhin ni Limon na wala silang alam na kaaway ng pamangkin.

Patuloy ang pagsisiyasat ng Cabatuan Police Station  sa nasabing krimen.