CAUAYAN CITY– Walang naitalang anumang damages at casualty matapos yanigin ng 6.1-magnitude na lindol ang lalawigan ng Batangas bandang alas-5:50 ng umaga.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Kelvin John Reyes, spokesman ng OCD CALABARZON, natunton ng PhiVolcs ang epicenter ng lindol walong kilometro northwest ng Calatagan, Batangas at may lalim na 122 kilometers.
Ang lindol ay tectonic ang origin na nagaganap sa pagkilos ng aktibong fault lines na malapit na lugar.
Naramdaman ang Intensity III sa Plaridel, San Ildefonso at Malolos City sa Bulacan; Guagua, Pampanga; Tagaytay City; Calapan City, Oriental Mindoro; Batangas City; Olongapo City, Zambales; at Gumaca, Quezon; at Intensity I naman sa Los Baños, Laguna; Iba, Zambales; Pasig City; Quezon City; Tayabas, Polillo, Lopez, San Francisco and Lucban, Quezon; at Baler, Aurora.
Sinabi pa ni Ginoong Reyes na batay sa kanilang nakuhang impormasyon sa Calatagan, Batangas ay walang naitalang anumang damages o casualties sa naturang lugar hanggang kahapon ng hapon.
Sa kabila nito ay patuloy pa ang pagkuha nila ng impormasyon sa mga lugar matapos magtala ng mahigit sampong aftershocks.




