Nilinaw ng opisina ng Iselco I – Cauayan Branch na hindi tumaas ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Marso kundi bumalik lang ito sa dati
Ayon sa opisina, noong buwan ng Pebrero kasi ay sadyang ibinababa ang singil sa kuryente dahil sa one time refund o bill reduction na nakolekta mula sa mga excess charge ng ISELCO
At ngayong buwan ng Marso ay bumalik lang sa talagang normal na singil ng kuryente
Kung pagkukumparahin lang ang singil noong buwan ng Pebrero at ngayong buwan ng Marso ay tila may pagtaas ngunit ang katotohanan ayon sa opisina ay ibinalik lang ito sa dating singil dahil noong nakaraang buwan ay sadyang ibinaba ang bayad sa kuryente bunsod ng excess charge
Ayon pa sa opisina, kung tutuusin bumaba pa ang singil ngayon sa kuryente kung ikukumpara sa dating normal na rate nito sa bawat buwan