SA LUNSOD NG ILAGAN – Tiniyak ng Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na si P/Sr. Supt. Reynaldo Garcia na walang vigilante group na umiikot sa Isabela.
Kasunod ito ng naitalang sunud-sunod na insidente ng pamamaril sa lalawigan sa loob lamang ng dalawang araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Sr. Supt. Garcia, nilinaw niya na walang vigilante group sa lalawigan at iginiit na kumpitensya ng mga grupo na sangkot sa ilegal na droga.
Ayon sa panlalawigang direktor na kanila itong pinagtutuunan ng pansin upang madakip aat malaman ang mga malalaking tao na nasa likod ng ilegal na gawain.
Kung maalala ay umabot na sa 7 ang patay kung saan anim dito ang sangkot sa ilegal na droga habang 5 naman ang nasugatan sa insidente ng pamamaril sa loob ng apatnapu’t walong oras sa Isabela.




