CAUAYAN CITY – Maaayos na natapos ang walong araw ng Filing ng Certificate of Candidacy.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan Kay Acting Election Officer Atty. Jerbee Anthony Cortez ng COMELEC Cauayan City, kanyang sinabi na na may dalawang tatakbo sa pagka mayor, dalawa rin sa Vice mayor at 19 naman ang naghain ng kandidatura sa pagkasangguniang panlunsod.
Magtututunggali sa pagkamayor ang magtiyuhin na sina Bill Dy na isang negosyante at si SP Member Jaycee Dy na anak ni dating Mayor Cesar Dy.
Ang marami sa mga tatakbo sa pagka sangguniang panlunsod ay ang mga kasalukuyang nakaupong Sangguniang Panlunsod Members habang ang iba ay mga dati nang kumandidato at ang ilan ay mga opisyal ng barangay.
Sinabi pa ni Atty. Cortez na maaari ding maghain ng substitute of candidates hanggang ikalabing lima ng Nobyembre.
Basta may partido ang magpapapalit ng kanyang posisyong lalabanan at mayroong Certificate of Nomination and Acceptance na magpapatunay na mayroong partido ang isang kandidato at ang maaari lamang pumalit ay ang kanyang kapartido sa Politika.











