--Ads--

Walong kataong sangkot sa illegal na droga, arestado sa loob ng isang araw sa Santiago City

CAUAYAN CITY – Aresto ang walong katao na sangkot sa illegal na droga ngayong araw sa isinagawang anti drug buy bust operation ang pinagsanib na puwersa ng, Station 2 Santiago City Police Office, Drug Enforcment Unit.

Ang pangwalong inaresto ay ni Emmanuel Diaz, 26 anyos, binata, walang trabaho at residente ng Purok Uno, Sinsayon, Santiago City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive dangerous drugs Act of 2002 ) ang suspek.

--Ads--

Bago nadakip ang suspek ay nakatanggap ng impormasyon ang Santiago City Police Office na si Diaz ay nagbebenta ng maijuana sa lunsod.

Dahil dito nagsagawa ang mga otoridad ng drug but bust operation at matagumpay na nasamsam kay Diaz ang isang sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na kanyang ibinenta sa poseur/buyer.

Si Diaz ay kasama ng naunang pitung inaresto ng mga otoridad na sina Ferdinand Velasquez Gombio, Alexis Palatao Briones, Brandon Agustin Lee, Manuel Balot Sanchez, Jaylord Foronda Agustin, Reniel Banaga Perez at John Carlo Gomez Punzalan, pawang nasa tamang edad at residente ng Santiago City.

Ang mga naunang nadakip ng mga otoridad ay naaktuhang gumagamit ng illegal na droga at nasamsapahan na kaso sa tanggapan ng piskalya.

Nahuling nadakip ng mga otoridad si Diaz dahil sa nagkaroon ng ibang transaksiyon na kanyang ikinadakip.

Umabot na sa 111 na drug personality ang naaresto sa 106 na police operations na isinagawa ng mga himpilan ng pulisya ng Santiago City Police Office ngayong 2018.