--Ads--

Umabot sa 25 wanted persons at 19 drug personalities ang naaresto ng Santiago City Police Office (SCPO) sa magkakasunod na operasyon na kanilang isinagawa nitong buwan ng Enero.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Saturnino Soriano, tagapagsalita ng SCPO, sinabi niya na kabilang sa mga naitalang accomplishments ay ang mas pinaigting na kampanya laban sa mga may nakabinbin na kaso at paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa kampanya kontra iligal na droga, nagsagawa ang SCPO ng labing-pitong operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 19 katao. Nakumpiska mula sa kanila ang tinatayang 23.17 gramo ng shabu.

Bukod dito, nagsagawa rin ng iba’t ibang operasyon ang SCPO na nagresulta sa pagkakaaresto ng ilang indibiduwal.

--Ads--

Tiniyak ng mga awtoridad na magpapatuloy ang kanilang operasyon upang tuluyang mapanatili ang pagiging drug-free ng bawat barangay sa Santiago.

Nanawagan ang SCPO sa publiko na patuloy na makipagtulungan sa pulisya sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang nasasakupan.