Nadakip ng mga awtoridad ang isang lalaking itinuturing na Number 1 Most Wanted Person Provincial Level dahil sa kasong Qualified Rape (2 Counts) sa isinagawang operasyon sa Barangay Rang-Ayan, City of Ilagan, Isabela.
Ang matagumpay na operasyon ay pinangunahan ng Ilagan Component City Police Station, katuwang ang Regional Intelligence Unit 2 – Provincial Intelligence Team Isabela East at ang 201st Maneuver Company, RMFB 2.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Berto”, 41 taong gulang, may asawa, pintor, at residente ng Barangay Caquilingan, Cordon, Isabela.
Inaresto si “Berto” sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Andrew U. Barcena, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 17, Second Judicial Region, City of Ilagan, Isabela, noong Hunyo 24, 2024, kaugnay ng Criminal Case Nos. 11174 at 11175, na parehong may walang inirekomendang piyansa.











