Naaresto ng mga awtoridad ang isang 41-anyos na lalaki na itinuturing na Most Wanted Person sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165, sa operasyon na isinagawa sa Barangay Cabaruan, Cauayan City pasado alas-3:00 ng hapon.
Ayon sa Cauayan Component City Police Station (CCPS), nadakip ang suspek na kilala sa alyas Jo, isang negosyante at residente ng Santa Rosa, Aurora, Isabela, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 20, Cauayan City, na may nakatalagang bail bond na P200,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Iniulat na ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine at sa RA 9745 o Anti-Torture Act of 2009.
Sa ngayon, nasa kustodiya ang suspek sa Cauayan CCPS para sa wastong disposisyon bago siya iharap sa korte ng pinagmulan ng kaso.
--Ads--











