--Ads--

Naaresto ng kapulisan ang isang wanted na persona na umano’y may kinakaharap na kaso ng pagnanakaw sa isinagawang manhunt operation bandang alas-onse ng umaga sa Purok 6, Area 2, Nagasican, Santiago City.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Municipal Trial Court, Branch 1 ng Santiago City. Ang nasabing kaso ay may nakatakdang piyansa na anim na libong piso para sa pansamantala nitong kalayaan.

Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ng Officer-in-Charge ng Traffic Enforcement Unit ng Santiago City Police Office o SCPO, katuwang ang mga tauhan ng Police Station 1. Bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa mga wanted person.

Matapos ang pagkakaaresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine.

--Ads--

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Police Station 1 ang nasabing indibidwal para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.