--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng San Mariano Police Station at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Police Regional Office Cordillera ang isang security guard na number 1 most wanted person sa Bangued, Abra.

Ang naaresto ay si Avelino Libuen Jr., 40 anyos, may-asawa at residente ng Barangay Old San Mariano, San Mariano, Isabela.

Siya ay dinakip ng mga otoridad sa barangay Sta. Filomena, San Mariano, Isabela sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hukom Corpus Alzate ng Regional Trial Court Branch 2 sa Bangued, Abra dahil sa kasong murder.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Lt. Jessie Alonzo, ang deputy chief of police ng San Mariano Police Station, sinabi niya na matapos nilang matanggap ang kopya ng warrant of arrest ay tinunton nila ang kinaroroonan ng akusado sa bayan ng San Mariano.

--Ads--

Aniya, taong 2004 pa nang lumabas ang warrant of arrest ng akusado na tubong Bangued, Abra at matapos sampahan ng kaso ay nagtago at nakapag-asawa siya bayan ng San Mariano.

Tinig ni PLt. Jessie Alonzo of PNP San Mariano

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamtalang paglaya ng nadakip akusado na dinala sa San Mariano Police Station para sa dokumentasyon bago ipinasakamay sa Police Rregional Office Cordillera para sa kaukulang disposisyon.