--Ads--

 Arestado ang 74-anyos na lalaki na matagal nang pinaghahanap ng batas sa pinagsanib na puwersa ng kapulisan sa Cauayan City.

‎Itinago ang suspek sa alyas na Ed, walang trabaho at residente ng Zone 5, Research, Brgy Minante 1, Cauayan City.

‎Ang suspek ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court kaugnay ng kasong Sexual Harassment sa ilalim ng RA 11313 o Safe Spaces Act (Gender-Based Sexual Harassment).

Mayroon namang inirekomendang piyansa na ₱30,000 para sa kaniyang pansamantalang paglagaya.

--Ads--

‎Pinangunahan ng mga tauhan ng Cauayan Component City Poloce Station ang operasyon, kasama ang PIDMU-IPPO, RMU2, at 2nd IPMFC.

‎Matapos ang pagdakip, dinala ang suspek sa kustodiya ng Cauayan Component City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.