Arestado ang isang lalaking matagal nang hinahanap ng batas matapos madakip ng mga kapulisan sa Lungsod ng Cauayan.
Batay sa ulat ng Cauayan City Police Station, kinilala ang naaresto sa alyas na “Art,” 34 anyos, isang magsasaka, walang asawa at residente ng Purok 5, Barangay Buyon, Cauayan City.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest bandang alas-siyete ng gabi noong ika-16 ng Marso 2026 sa naturang lugar.
Matapos ang pagkakaaresto, agad na ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan at dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon bago iharap sa korte na naglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.
Samantala, patuloy ang kampanya ng kapulisan sa pagtugis at pag-aresto sa mga indibidwal na may kinakaharap na kaso upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa lungsod.










