--Ads--

CAUAYAN CITY– Sinalakay ng mga otoridad sa pangunguna ng Isabela Police Provincial Office at Naguillian Police Station ang isang pagawaan ng mga hinihinalang  pekeng sigarilyo sa Palattao,Naguillian, Isabela.

Tumambad sa mga otoridad ang sako sakong mga sigarilyo at mga chemical at machines sa  paggawa ng sigarilyo.

Nakita rin sa pagawaan ng  pekeng sigarilyo ang  185 na manggagawa   sa  nasabing warehouse.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang mga manggagawa ay galing pa  sa mindanao na dinala   dito sa  Isabela upang magtrabaho  at  pinapasahod  sila  ng sampong libo sa isang buwan.

--Ads--

Nag-ugat ang pagsalakay ng mga otoridad sa nasabing lugar matapos parahin ng mga kasapi ng Naguillian Police Station sa isang checkpoint ang isang wingvan truck.

Sa pagsasagawa ng  inspeksyon  ng mga pulis sa  loob ng truck na sa unang tingin ay naglalaman  lamang  ng mga ipa ng palay  ngunit nang maiging sinuri ang laman ng truck ay natuklasan  ang mahigit anim na raang sako ng ibat ibang  klase ng sigarilyo na natabunan ng mga ipa.

Walang naipakitang  kaukulang dukumento ang mga dinakip na pinaghihinalaan na sina  Roger Aparilla, 40 anyos, may asawa, driver ng truck residente ng Brgy 24A, Cagayan De Oro City sa  Misamis Oriental at si XIu Zou Wu, isang Korean national, 44 anyos, may asawa, negosyante  at  residente ng Batal, Santiago City.

Sa imbestigasyon ng pulisya sa mga pinaghihinalaan ay nalaman kung saan galing ang mga pekeng sigarilyo kaya’t sinalakay nila ang nasabing warehouse at pagawaan.