CAUAYAN CITY- Tumaas ang elebasyon ng tubig sa magat dam dahil sa mga naranasang pag-ulan sa mga nagdaang araw.
Sa ngayon ay nasa 176.33 meters above sea level na ito mula sa dating 173 meters above sea level na may water inflow na pumapalo sa 300 cubic meters per second.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Roldan Bermudez, Manager ng Engineering Office ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA MARIIS), sinabi niya na bagamat may bahagyan pagtaas sa elebasyon ng dam ay malayo pa ito sa critical level na 193 meters above sea level.
Inaasahan naman na mas lalo pang tataas ang water elevation nito dahil sa pagsisimula ng rainy season na makatutulong para masuplayan ng tubig ang mga magsasaka.
Sapat naman na aniya sa ngayon ang supply ng patubig at hindi na din nila tinuloy ang kanilang request na cloud seeding.