--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy na tumataas ang water level ng Magat dam sa Ramon, Isabela dahil sa patuloy na mga pag-ulan

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Armando Amistoso, instrument Technician ng Magat Dam Reservior na ang water elevation ngayon ng Magat Dam ay 183.75 meter habang ang average inflow ay 906 cubic meter per second at ang outflow ay 150 cubic meter per second.

Inihayag pa ni G. Amistoso na malakas ang ulan sa bahagi ng Ifugao at Nueva Vizcaya sanhi para tumaas ang inflow o pumapasok na tubig sa Magat dam.

Kaagad namang magpapalabas ng abiso ang Magat dam sakaling magpalabas ng tubig

--Ads--

Samantala, malaking tulong sa mga magsasaka ang mga nagaganap na pag-ulan ngayon sa Isabela dahil tuluyan nang napatubigan ang kanilang mga sakahan at mga pananim na mais.