--Ads--

Inaasahang tuluyan nang ititigil ng NIA-MARIIS ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam oras na maabot na ang target water elevation.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan, ang Division Manager ng Dam and Reservoir Division ng NIA-MARIIS, sinabi niya na kung matatandaan, sa kasagsagan ng Bagyong Nando ay tatlong gate ang binuksan ng NIA-MARIIS upang mapanatili sa ligtas na water elevation ang Magat Dam.

Kasabay ng pagtigil ng pag-ulan na dala ng sama ng panahon, muling nagbawas ang NIA ng gate opening. Mula kahapon, isang gate na lamang na may isang metrong opening ang kanilang binuksan, na may spillway discharge na 141 cubic meters per second.

Layunin ng kanilang water releasing na mapanatili sa ligtas na antas ang water elevation ng dam ngayong humupa na ang pag-ulan sa Magat Watershed, partikular sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya at Ifugao.

--Ads--

Ang kasalukuyang lebel ng Magat Dam ay nasa 183.45 meters above sea level, habang ang inflow ay 436.08 cubic meters per second at ang outflow ay 507.39 cubic meters per second.

Sa ngayon, nananatiling “insignificant” o hindi gaanong nakaaapekto ang water releasing ng NIA-MARIIS sa antas ng tubig sa Magat River.