--Ads--

CAUAYAN CITY- Kinumpirma ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) DOST na nakahimpil sa Echague, Isabela na posibleng nasa isa hanggang dalawang bagyo ang papasok sa bansa ngayong buwan ng Oktubre.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Chief Meteorologist Ramil Tuppil, kanyang inihayag na asahan ang magandang panahon hanggang bukas, araw ng Miyerkules subalit sa pagdating umano ng weekend ay makakaranas ng mga pag-ulan.

Ayon pa kay Ginoong Tuppil, posible rin maapektuhan ang lalawigan ng weak La Niña ngayong huling quarter ng taong 2017 batay na rin sa kanilang pagtaya.

Posible rin ang mga pag-ulan sa dakong gabi sa ibat ibang bahagi ng lalawigan.

--Ads--