--Ads--

CAUAYAN CITY– Malaking hamon ngayon sa mga air and ground rescue teams na nagsasagawa ng search and rescue operation sa nawawalang Cessna 206 ang masamang lagay ng panahon sa Sierra Madre pangunahin na sa lugar kung saan pinaniwalaang kinaroroonan ng eroplano.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Division Public Affairs Office (DPAO) Chief Captain Rigor Pamittan ng 5th Infantry Division Phil. Army na sa kabila na masamang lagay ng panahon sa lugar ay tuloy tuloy ang ground troops ng mga kasapi ng 95th Infantry Batallion at 502nd Infantry Brigade sa kabundukan na posibleng kinaroronan ng nawawalang Cessna 206.

Masukal at walang permanenteng trail o daan kayat kinakailangan nilang umakyat sa mga bundok at tumawid sa mga sapa at ilog upang marating ang site Alpha.

Isinasabay na rin ng mga sundalo ang pagtugis sa mga rebelde gunit sa ngayon ay wala pa silang namomonitor na galaw ng mga rebelde sa tinaguriang 20 kiolmeter radius mula cellsite sa Maconacon kung saan nagring ang cellphone ng isa sa mga pasahero ng eroplanong nawawala.

--Ads--

Sa ngayon ay pangunahin nilang pinagtutuunang pansin ang 20 kilOmeter radius mula cellsite sa Maconacon

Wala pa anyang palatandaan sa kinaroroonan ng ng Cessna plane bukod sa sinasabing nakakitaan ng white object.

Hindi anya tumitigil ang mga kasapi ng Phil. Army na tumutulong sa paghahanap ng cessna plane sa kabila na balakid ang masamang lagay ng panahon.

Hiniling din niya na ipagdasal ang kaligtasan at magandang kalusugan ng mga rescuers dahil sa nararanasang hirap sa Sierra Madre upang mahanapan ang nawawalang Cessna 206.