CAUAYAN CITY – Isinama na sa Isabela Provincial Athletics Association Meet ang larong weightlifting sa kauna-unahang pagkakataon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Manolo Bagunu, Education Program Supervisor at Division Sports Officer ng Schools Division Office (SDO) Isabela, sinabi niyang dahil sa kahilingan din ng mga estudyante at coaches kaya nagdesisyon silang isali na ang weightlifting ngayong taon.
Aniya isa ang weightlifting sa mga kinahihiligang laro ngayon lalo na ang mga estudyante mula sa Distrito tres.
Marami sa mga estudyante ang na-inspire kay Olympics Gold Medalist Hidilyn Diaz at gusto nilang sundan ang kanyang yapak mapa-babae man o lalaki.
Tinig ni Manolo Bagunu, Education Program Supervisor at Division Sports Officer ng SDO Isabela.