CAUAYAN CITY- kulungan ang bagsak ng isang welder matapos isumbong ng kaniyang hipag dahil sa emosyonal na pang aabuso sa kaniyang asawa.
Kinilala ang suspek na si alyas Ben, 39 years old, mat asawa, welder at residente ng Brgy Pinoma Cauayan City Isabela.
Habang ang biktima ay kinilala si Ginang Weng, 34 years old, asawa ng suspek, OFW at residente ng parehong Barangay.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, tumawag sa 911 ang kapatid ni Ginang Weng na si Ligaya na residente ng Bayan ng Naguilian.
Humihingi umano ng tulong si Ginang Weng dahil sa emotiobal abuse na ginagawa sa kaniya ng kaniyang asawa.
Dito na umaksiyon ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek.
At sa kasagsagan ng imbestigasyon ng mga awtoridad, naglabas ng apat na maliliit na box si Ginang Weng na naglalaman ng shabu na hinihinalang pagmamay ari ng suspek.
Dito na binuksan ni Ligaya ang mga box at tumambad sa mga awtoridad ang labindalawang small heated sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.Kasama rin sa nakuha ay ang mga drug paraphernalia.
Dahil dito mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti Violence Against Women and their Children at RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang nasabing suspek.











