--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpapagaling na sa pagamutan ang isang welder matapos saksakin ng kanyang ama sa barangay Salinungan West, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa San Mateo Police Station ang mag-amang sina Ernesto Valenzuela Sr.,residente ng Salinungan West, San Mateo at Ernesto Valenzuela Jr. 38 anyos welder na residente ng Victoria, San Mateo ay nag-inuman sa tahanan ng ama.

Nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ama dahil sa personal na suliranin.

Sinundan umano ng biktima ang kanyang ama sa kusina upang humingi ng paumanhin subalit bigla siyang sinaksak ng ama sa pag-aakalang saksakin siya ng anak.

--Ads--

Nagtamo ng saksak sa Kaliwang bahagi ng tiyan ang biktima na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Kaagad tumakas ang suspek matapos masaksak ang anak.