--Ads--
CAUAYAN CITY – Sarado pa rin ang wet market sa Wuhan City, China kung saan nagmula ang Coronavirus Disease (COVID-19).
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Chai Roxas, OFW sa Wuhan City, China na ang wet market ay sarado pa rin sa mga mamamayan upang maiwasan ang pagkakaroon muli ng virus.
Gayunman, marami pa rin namang ibang mga market ang bukas kung saan maaaring bumili ng mga seafoods ang mga mamamayan.
Sa ngayon ay wala pang katiyakan kung kailan muling bubuksan ang nasabing wet market.
--Ads--
Mas inaalagaan na rin aniya ngayon ng mga mamamayan sa China ang kanilang kalusugan at pinipili na rin nila ang kanilang kanakain.











