--Ads--

CAUAYAN CITY – Maraming bahay na ang nasunog sa ilang estado sa kanlurang bahagi ng Amerika dahil sa wildfires.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Jon Melegrito, news editor ng isang pahayagan sa Washington DC na masyado ng mainit ngayon sa mga estado sa Western part ng Amerika kaya patuloy ang nararanasang wildfires na nagsimula pa noong unang linggo ng Hulyo 2021.
Umaabot na sa 117 degrees celcius ang temperatura sa California at Oregon at hanggang ngayon ay wala pang ulan kaya tuyong-tuyo na ang mga kagubatan.
Aniya, aabot na sa dalawang libo ang lumikas sa Oregon at maraming bahay na ang nasunog.
--Ads--
Sa ngayon ay umabot na sa 6,000 square kilometers na ang nasunog sa western states.










