Kinilala ang kahalagahan ng mga kababaihan sa lipunan sa isinagawang dalawanga araw na Gender and Development o GAD summit sa Lungsod ng Cauayan.
Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang sektor kabilang ang mga lider ng mga kabaihan, lokal na opisyal at kinatawan ng mga ahensya ng pamahalaan.
Layunin ng naturang pagtitipon na palakasin ang adbokasiyang gender equality at women empowerment.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Secretary Santos Lopez III, Convenor ng National Anti-Poverty Commission, sinabi niya na mahalaga ang patuloy na pagbibigay-pansin sa kahalagahan at kapakanan ng mga kababaihan sa bansa.
Aniya, ang GAD Summit ay nagsisilbing plataporma upang mapalakas ang boses ng mga kababaihan at matiyak ang aktibong partisipasyon sa pag-unlad ng komunidad.
Patuloy aniya ang pagpapatupad ng pamahalaan ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng mga kababaihan lalo na sa laranagan ng kabuhayag, edukasyon, at kalusugan.
Sa loob ng dalawanga araw na summit, tinalakay sa naturang summit ang iba’t ibang isyu gaya na lamang ng gender sensitivity, women leadership at mga polisiya laban sa diskriminasyon at karahasan.
Nagkaroon din ng workshop at forum na nagbigay ng oportunidad sa mga kalahok na maibahagi ang kanilang karanasan.











