--Ads--

Natupad ang inaasam ng maraming local pageant enthusiast dahil nagparamdam na si Winwyn Marquez sa paglahok niya sa taong ito ng Miss Universe Philippines.

Ibinahagi nya ang kanyang pagsali sa Miss Universe Philippines 2025 sa kanyang IG post, kung saan nakabalandra rin ang kanyang headshot.

Umani naman ng approval at excitement ang pagkumpirma ni Winwyn mula sa mga kasamahan nya sa showbiz industry, maging sa mga kapwa beauty queens gaya nina Katarina Rodriguez, Laura Lehmann, MJ Lastimosa at iba pa.

Nagbubunyi naman ang mga netizen sa balita at iniyabang ng mga itong siguradong mananalo si Winwyn.

--Ads--

Gaya ng inaasahan, si Winwyn ang magiging pambato ng Muntinlupa.