--Ads--

Pinayagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang pagbibigay ng yearend gratuity pay na P7,000 sa mga Contract of Service (COS) at Job Order (JO) na nagtratrabaho sa Pamahalaan.

Matatandaan na kahapon ay inilabas ang Administrative Order 28 na nagkakaloob ng one-time gratuity pay na hindi lalampas sa P7,000 para sa fiscal year 2024 sa mga JOs and COS employees na may total or aggregate of at least four months ng “actual satisfactory service performance”.

Ayon sa PCO puntirya ng Pamahalaan ang regularization of contractual workers bago ang taong 2025 habang ang mga mangagawa na nakapag serbisyo ng apat na buwan pababa ay makakatanggap din ng gratuity pay pro-rata basis.

Ang COS/JO workers na may tatlong buwan o mas mababa sa apat na buwan ay makakatanggap ng gratuity pay na hindi lalampas sa P6,000.

--Ads--

Para sa mga nagserbisyo ng dalawang buwan o mas mababa sa tatlong buwan ay makakatanggap ng hindi hihigit sa P5,000.

Habang ang mga mangagawa na nagtrabaho ng wala pang dalawang buwan ay tatanggap gratuity pay na hindi lalampas sa P4,000.

Ang pagbibigay ng gratuity pay sa mga kwalipikadong COS at JO workers ay dapat hindi mas maaga ng December 15,2024.