--Ads--

CAUAYAN CITY – Iginiit ng Business Permit and Licensing Office sa Lungsod ng Cauayan na mas makakamura ang mga tricycle driver sa kada-taon na renewal ng prangkisa.

Matatandaan na mula sa dating tatlong taon ay ginawang yearly ang franchise renewal.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Sherwin De Luna, Business Permit and Licensing Officer ng Cauayan City, sinabi niya na kung dati ay umaabot sa 3,000 pesos ang binabayaran ay 500 pesos na lamang ang binabayaran kada renew.

Nilinaw naman niya na kailangan munang tapusin ng mga tricycle driver ang kanilang 3-year franchise bago mag-renew ng kada taon.

--Ads--

Aniya, kapag nag-expire na ang kanilang prangkisa at body number at hindi pa sila nagpapa-renew ay bibigyan sila ng 60 araw na palugit para mag-comply bago kanselahin ang kanilang francise.