--Ads--

CAUAYAN CITY- Isang youth advocate ang nilibot ang iba’t ibang lugar sa Bansa gamit lamang ang pedicab para isulong ang pagsasabatas sa Anti-Elderly Abuse Act.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Nieljay Matunding isang Youth Advocate bisikleta ang kaniyang ginamamit para sa pagsusulong niya ng kaniyang adbokasiya.

April 2023 ng magsimula ang kaniyang paglalakbay patungo sa Tawi-Tawi at hanggang sa kasalukuyan siya ay naglalakbay gamit ang kaniyang pedicab, sa loob ng dalawang taon ay ang Lalawigan ng Isabela ang ika 38 na probinsiyang kaniyang napuntahan.

Isa sa naging inspirasyon niya ay ang kaniyang lola na siyang nagpalaki sa kaniya na naging biktima ng pang-aabuso.

--Ads--

Aniya sa halip na tumahimihik ay binigyan siya ng basbas ng kaniyang lola na siya ang mag lapit nito sa pamahalaan.

Isa sa hindi niya makakalimutan ay ang unang mga hakbang na kaniyang ginawa kung saan marami ang halos hindi naniwala sa kaniya.

Sa tulong aniya ng isang inbibiduwal ay na aksyonan ang naranasan na pang aabuso subalit dahil sa mapag-samanatalang anak ay muli itong naabuso.

Sa ngayon ang kaniyang adbokasiya ay isang alaala na lamang para sa kaniyang lola na pumanaw noong 2023 subalit buo ang kaniyang determinasyon na tapusin na ang kaniyang paglalakbay para muling ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.

Hiling niya na sana ay tuluyan ng maisabatas ang Anti-Elderly abuse Act para wala ng mga matatandang Pilipino ang makaranas ng pang aabuso hanggang sa mga susunod pang henerasyon.

Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa Bombo Radyo Philippines na naging bahagi ng kaniyang paglalakbay na nag pakita ng suporta para sa kaniyang adbokasiya na naging daan para maiparating ito sa kinauukulan.

Sa kasalukuyan ang Anti-Elderly Act ay pending na sa Kongreso at inaasahang sasalang na sa ikatlo at huling pagbasa bago ito tuluyang lagdaan bilang ganap na batas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.