--Ads--

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng Zambales nitong madaling araw ng Disyembre 28, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang sentro ng lindol ay nasa 17 kilometro hilaga-kanluran ng Palauig, Zambales, at may lalim na 48km.

Naramdaman ang Intensity III sa Palauig, Masinloc, Iba, at Botolan, Zambales.

Samantala, Intensity II naman ang naitala sa Quezon City. Sa instrumental record, Intensity III ang naitala sa Botolan, Zambales.

--Ads--

Intensity II ang naramdaman sa Masinloc at Iba, Zambales, gayundin sa Guagua, Pampanga.

Intensity I naman ang naitala sa San Marcelino, Zambales; Calumpit, Bulacan; Rizal, Nueva Ecija; Santa Ignacia, Tarlac; at sa mga lungsod ng Navotas at Malabon.

Wala namang naiulat na pinsala o nasawi, ngunit pinaalalahanan ang publiko na manatiling handa sa posibleng aftershocks.