--Ads--

CAUAYAN CITY- Zero Drowning incident ang naitala ng Benito Soliven Police Station ngayong Semana Santa 2025.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Ronnie Heraña ang hepe ng Benito Soliven Police Station, sinabi niya na mula noong nakaraang Linggo ay sinimulan nila ang monitoring para sa kanilang Oplan SUMVAC 2025.

Sa katunayan ay pangkalahatang naging mapayapa ang kabuuan ng Semana Santa sa kanilang nasasakupan.

Naging mahigpit aniya sila sa pagbabantay sa mga ilog, nagsagawa sila ng OPLAN Tambuli para mabigyan ng awareness ang publiko na bantayan ang kanilang mga anak gayunadin ang regulasyon sa pag-inom ng alak.

--Ads--

Samantala, mula Enero hanggang Abril ay nakapagtala na sila ng 15 operational accomplishment kabilang dito ang nahuling isang cellphone technician na may kasong rape at sexual assault.

Sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Benito Soliven Police Station bilang lead unit, RID, PRO2, PIU-IPPO, PIDMU-IPPO, CIT-Santiago City RIU2, RIU NCR-IG DSOU, NPD-NCRPO, 201st MC-RMFB2, at 4th pltn, 1st IPMFC si alyas “Rigor” na binansagang No. 7 Topmost Wanted Person ng NCRPO Regional Level, No.1 Provincial Level sa Metro Manila at No. 2 Municipal Level, City of Manila para sa kasong Statutory Rape at Sexual Assault.

Inihain sa naturang suspek ang warrant of arrest na ipinalabas noong Enero 23, 2024 ng Presiding Judge, Family Court National Capital Judicial Region, Br. 6, Metro Manila para sa mga nabanggit na kaso na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.

Aniya ang akusado ay palipat-lipat ng lugar na pinagtataguan na nakaabot pa sa Bataan at ang huli nga ay nasakote na ito sa Bayan ng Benito Soliven.

Maliban sa Rape ay may naitala din silang mga violation din sa PD 1602 at RA 9165.

Samantala sa kabila ng abalang schedule ay patuloy na ipinapatupad ng PNP ang kanilang best practices kabilang ang revitalized KASIMBAYANAN, PNP internal cleansing, inter-active meeting at patuloy na monitoring sa iligal na droga.

Sa ngayon ang Bayan ng Benito Soliven ay nasa proseso na para maging drug cleared municipality dahil mula sa 29 Barangays, 19 ang drug cleared at 10 ang drug free.