--Ads--

Nadevelop ng Cagayan Valley Research Center ang teknolohiyang makakatulong para sa preservation ng kamatis.

Ito ay matapos na makaranas muli ng pagkalugi ang mga magsasaka dahil sa nararanasang over supply at mababang presyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mary Jane Ibarra ang Science Research Specialist 2 ng Cagayan Valley Reasearch Center, sinabi niya na may na develop na silang teknolohiya na magagamit sa post-harvest ng gulay para babigyang solusyon ang oversupply dahil sa bagsak presyo.

Ang technology ay tinawang na Zero energy cooling chamber na isang imbakan na gumamit o gawa sa low-cost materials tulad ng steel matting.

--Ads--

Maikukumpara ito sa isang kahon na may sukat na 2.75 by 2.5-meter na may hieght na 1.2 to 1.5 meters.

Ang chamber ay may dalawang walls na pinalamanan ng tinatawag nilang cavity gamit ang charcoal o uling na siyang mag coconvert ng mainit na hangin sa malamig na hangin na siyang nakakatulong naman sa preservation ng gulay.

Sa ginawa nilang trial ang nilagay na kamatis ay nanatiling fresh sa loob ng 30 to 31 days of preservation.

Sa ika-31 na araw sa imbakan ay nanatili aniya ang texture, kintab at kulay ng kamatis.

Sinubukan din ito sa talong na nanatiling fresh at matigas sa loob ng pitong araw.

Mayroon din silang enchanced design kung saan may irrigation sa pagitan ng walling na siyang nagpapanatili ng malamig na temperatura.

Maliban sa kamatis at talong ay sinubukan narin itong pag imbakan ng upo.

Ang mga gulay na nais ipreserve ay ilalagay sa crates na siyang iimbak sa loob nng chamber.

Aniya bagamat hindi ito teknolohiya na galing mismo sa Pilipinas ito ay na modify at ginamitan na ng local materials at mas epektibo ito sa maiinit na lugar dahil ito ay gumagamit ng water evaporation.