CAUAYAN CITY– Puntiryang maitala sa Guinness Book of World Records ang gagawing malawakang Zumba dance sa March 24, 2018 sa City of Ilagan Sports Complex sa Lungsod ng Ilagan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Peterson Patriarca, tagapagsalita ng City of Ilagan Gay Association (CIGA) na ito ay bahagi ng pagdiriwang ngayong Marso ng Women’s Month.
Aniya ito ang kauna-unahang malawakang zumba dance na isasagawa sa lungsod ng Ilagan
Ayon kay Ginoong Patriarca, kasali sa nasabing zumba dance ang mga miyembro Ilagan Association of Women na may 44,000 na miyembro.
Puntiryang malampasan ang Zumba dance na naitala ng Mandaluyong City noong July 19, 2015.
Ito ay sinalihan ng 12,975 participants na nagsuot yellow t-shirt at nagsayaw sa mga lansangan ng Mandaluyong sa saliw ng high tempo music sa loob ng 30 minuto.
Samantala, maliban sa Zumba dance ay isasagawa rin ang Sportsfest na lalahukan ng mga kababaihan




