--Ads--

Nagbanggaan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng National Highway sa Minante 2, Cauayan City, bandang alas-7 ngayong gabi, Pebrero 15.

Sangkot sa insidente ang isang TMX Honda at isang Honda Click.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kapwa binabagtas ng dalawang motorsiklo ang southbound lane nang bigla umanong pumasok sa linya ang TMX na minamaneho ng isang rider na hinihinalang nakainom ng alak.

Dahil sa banggaan, kapwa nagtamo ng mga galos at sugat ang mga sangkot.

Dinala ang mga ito sa himpilan ng pulisya kung saan pag-uusapan ang kaukulang danyos at iba pang pananagutan kaugnay ng insidente.

--Ads--