--Ads--

Tatlong indibidwal ang nasugatan matapos gumuho ang isang detour bridge sa bayan ng Santo Domingo, Ilocos Sur nang dumaan ang isang 10-wheeler truck nitong Sabado, Mayo 2.

Batay sa imbestigasyon, bumigay umano ang pansamantalang tulay dahil sa bigat ng truck, na nagresulta sa biglaang pagbagsak ng istruktura at pagkasugat ng tatlong katao sa lugar ng insidente.

Hindi pa inilalabas ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan at kalagayan ng mga biktima habang patuloy ang monitoring at pagsusuri sa kanilang kondisyon.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang mga kinauukulan upang matukoy ang eksaktong sanhi ng pagbagsak ng tulay at kung may posibleng depekto o isyu sa structural integrity ng detour bridge.

--Ads--

Patuloy ding inaasahang rerepasuhin ng mga awtoridad ang kaligtasan ng mga pansamantalang imprastraktura sa lugar upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.