CAUAYAN CITY- Naitala ng Philippine Statistics Authority o PSA Isabela ang 0.6 percent ng inflation sa Isabela para sa buwan ng Setyembre.
Ayon kay Statistical Specialist Julius Emperador ng PSA Isabela na ang mababang inflation ay dahil sa mabagal na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing produkto na nagresulta sa average inflation na 2.1 percent.
Naka ambag din sa pagbagsak ng inflation ang food and non-alcoholic beverages na may 87.6 % at transport pangunahin na ang pagbaba sa presyo ng petrolyo, LPG at electrisidad na may 74.2 percent.
Kabilang sa top 5 contributors ng inflation sa lalawigan ang Restaurants, Cafe, Tomato, LPG, Cabbage at Onion.
Bumaba naman ang inflation para sa Clothing and footware,recration services, at personal care services.
Bumaba din ang inflation sa bigas, arina,tinapay,meat products at ready made food, habang sumirit naman ang inflation sa gatas, itlog,mantika, prutas at nuts.