--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang cadidate soldier na kabilang sa Candidate Soldier Course Class 546-2018 ng 5th Infantry Division, Philippine Army makaraang ma-heat stroke sa Gamu, Isabela.

Ang namatay ay si Candidate Soldier Julius Hernando, 21 anyos at residente ng Rang-ayan, Mallig, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo radyo Cauayan , si Hernando ay dumalo sa traditional opening ceremony and reception rites ng Candidate Soldier Course Class 546-2018 sa 5th Division Training School Upi, Gamu, Isabela na nagsimula ng alas diyes ng umaga noong ikapitu ng Hunyo, 2018.

Ayon kay Lieutenant Col. Ignacio Timbol, Commanding Officer ng Camp Melchor Dela Cruz Station Hospital, alas dose trenta ng hapon ay kaagad na idinala si Hernando sa hospital ng kaniyang mga school mate para sa kaukulang gamutan ngunit agad ding inilipat sa Isabela Doctors General Hospital o IDGH.

--Ads--

Alas kwatro trenta ng umaga noong ika-walo ng Hunyo ay nasawi rin ang biktimang si Candidate Soldier Hernando.

Nangako naman si Major General Perfecto Rimando Jr., ang Comander ng 5th Infantry Division sa pamilya ni Candidate Soldier Hernando sa pagbibigay ng suporta mula sa pamunuan ng 5th ID.

Sa inilabas naman na Appoinment Order Number, Special Order 850 noong ika-lima ng Hunyo, 2018, kinikilala bilang kasapi nang Arm Forces of the Philippines o AFP si Candidate Soldier Hernando.