--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang magsasaka matapos pagsasaksakin ang kaniyang kapatid sa Barangay Paragu, Tumauini, Isabela.

Ang naaresto ay si Rockie Taccad, 59 anyos at residente ng nabanggit na barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nagkaroon ng alitan ang pinaghihinalaan at ang biktimang kapatid na si Nolasco Tacca, 47 anyos, may-asawa, contructor at residente rin ng nabanggit na barangay.

Pinagbabawalan umano ng biktima na manirahan si Rockie sa kanilang tahanan dahilan upang ito ay magalit at saksakin ang kanyang kapatid gamit ang kutsilyo.

--Ads--

Nagtamo ng saksak ang biktima sa kaniyang tiyan at bahagi ng kilay na kaagad isinugod sa hospital.

Kaagad namang dinakip ang pinaghihinalaan na ngayon ay nasa pangangalaga na ng PNP Tumauini.