--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang babae habang nasugatan naman ang dalawang iba pa matapos matapos maatrasan ng isang truck na kargado ng tubo ang sinasakyan nilang kuliglig sa Gucab Bridge, Echague, Isabela.  

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, lumalabas sa paunang pagsisiyasat na paakyat na umano ang truck sa pataas na bahagi ng kalsada na sinusundan naman ng isang SUV, Van at kuliglig ngunit nawalan umano ng kontrol ang tsuper nito na si Bernardino Suyat, dahilan upang apakan nito ang preno ngunit hindi ito gumana dahilan upang dumausdos ito pababa.

Nagawa naman umanong makaiwas ang SUV at Van na sumusunod dito ngunit hindi na nakaiwas pa ang kuliglig na kinalululanan nina Maymay Dumon, Joshua Paculdar at Jacinto Giu.

Nang makita umano ng mga sakay ng kuliglig ang pagdausdos ng sinusundan nilang truck ay nagsitalunan ang mga ito paalis ng kanilang sasakyan ngunit nagulungan umano ng Truck si Maymay na naging sanhi ng kaniyang pagkasawi habang nasugatan naman ang dalawa pang kasamahan nito.

--Ads--

Napag-alaman na ang mga lulan ng kuliglig ay nag-deliver lamang ng produkto at pauwi na sana nang maganap ang insidente

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bernardino Suyat, driver ng truck, sinabi niya na nang hindi gumana ang preno ng kaniyang truck ay kinabig umano niya ang manibela at planong ihulog na lamang ang kaniyang sasakyan sa gilid ng kalsada ngunit nabigo ito at naatrasan ang sumusunod na kuliglig.