--Ads--

CAUAYAN CITY- Isa patay habang isa ang nasugatan sa naganap na pamamaril sa Barangay Gappal, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan natagpuan ang wala ng buhay na katawan ni Eduardo Pabigayan, tricycle driver na residente ng Barangay Disimuray, Cauayan City sa balkonahe ng isang bahay sa Purok 7 sa nasabing barangay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Cauayan City Police Station na hinihinalang nagbaril sa sarili ang lalaki dahil sa isang tama ng bala ng baril sa kaniyang sentido.

Ayon sa pulisya si Pabigayan ang itinuturong suspek sa pamamaril kay Ginang Precila Salvatiera na nagtamo ng isang tama ng bala ng kalibre 45 na baril sa tiyan.

--Ads--

Napag-alaman na matapos ang pamamaril ay nagtungo ang suspek sa bahay ng biktima at doon biniral ang sarili.

Dinala pa sa pagamutan si Pabigayan subalit idineklarang patay ng doktor.

Narekober naman sa lugar ang isang unit ng caliber 45 na baril na may bala at magazine, isang basyo ng bala at ilang personal na gamit ni Pabigayan.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng malalimang pagsisiyasat ang Cauayan City Police Station hinggil sa nangyaring pamamaril.

Samanatala, nasa maayos nng kalagayan ang biktimang si Salvatiera habang nanatili sa pagamutan.