Naging mapayapa ang paggunita ng Semana Santa sa bayan ng Naguilian, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Ferdinand Datul, Chief of Police ng Nagulian Police Station, sinabi niya na walang naitala na anumang hindi kanais-nais na insidente sa kanilang nasasakupan pangunahin na ang drowning incident na madalas maitala tuwing holy week.
Malaking bagay aniya ang maigting na pagpapaalala at pagbabantay ng mga kapulisan maging ang inilabas na executive order ng pamahalaang bayan ng Naguilian na pagbabawal na maligo sa ilog simula April 2 hanggang April 5 2026.
Sa ngayon ay naka-deploy pa rin ang mga PNP personnel sa mga places of convergence gaya na lamang ng ilog, resorts at iba pang lugar na madalas puntahan tuwing holy week upang matiyak ang kapayapaan at seguridad sa lugar.
Samantala, patuloy na pinaiigting ng Naguilian Police Station ang pakikipag-ugnayan nito sa Komunidad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga aktibidad upang maiiwas ang publiko sa masamang gawawin.
Isa na rito ang “Bola kontra Droga” na naglalayong ilayo ang mga kabataan sa droga sa pamamagitan ng aktibong pakikiahok sa sports.
Sa ngayon ay drug cleared municipality na ang bayan ng Naguilian subalit tuloy-tuloy pa rin ang ang kanilang intelligence monitoring at information gathering upang mapanatili ang kanilang titulo.











