--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang barangay tanod habang sugatan naman ang anim na iba pa sa salpukan ng Kolong-kolong at single na motorsiklo sa Barangay Suerte,Quirino, Isabela.

Kinilala ang tsuper ng Kolong-kolong na si Romnick, 36-anyos, LGU Employee at lulan nito ang limang menor de edad habang ang motorsiklo naman ay minaneho ni Dominador Nagum, Barangay Tanod ng Sta. Lucia,

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Joven Montalvo, Officer-in-charge ng Quirino Police Station, sinabi niya na galing sa bayan ng Mallig ang kolong-kolong patungong bayan ng Burgos habang patungo naman sa kasalungat na direksyon ang motorsiklo.

Nang makarating sa pakurbang bahagi ng daan ay tinangka umanong mag-overtake ng motorsiklo sa sinusundan nitong sasakyan ngunit habang nasa proseo ito ng pag-overtake ay nabangga nito ang kolong-kolong.

--Ads--

Sa lakas ng banggaan ay nagtamo ng sugat sa katawan ang lahat ng sangkot na agad namang dinala sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ang tsuper ng Motorsiklo.

Sa ngayon ay kasalukuyan pang nagpapagaling sa pagamutan ang isa sa mga menor de edad.

Tuloy-tuloy naman aniya ang mga interventions na isinasagawa ng kanilang hanay gaya na lamang ng paglalagay ng signages sa daan at pagpapaalala sa mga motorista upang maiwasan ang mga kahalintulad na insidente.