--Ads--

Nasugatan ang 8 katao habang 3 ang nasa kritikal na kalagayan dahil sa pagbagsak ng mga mga missiles at drone debris mula sa palitan ng atake ng Iran, US at Israel.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Kean Santiago, as of 1:19am sa Qatar ay umabot na sa 65 missiles, at 12 drones ang naipalipad ng Iran sa Qatar kung saan 2 missiles at 1 drone ang tumama mismo sa US military base.

Sa ngayon ay wala pang inilbas na abiso ang embahada ng Pilipinas sa Qatar kung mayroon bang nadamay na mga  Pilipino sa pag-atake.

Patuloy naman ang ginagawang paalala ng embahada sa mga Pilipino na iwasang lumabas ng bahay upang matiyak ang kanilang kaligtasan habang hindi pa natatapos ang tensyon sa lugar.

--Ads--