--Ads--

CAUAYAN CITY – Namatay ang isang tsuper ng motorsiklo matapos bumunggo sa isang puting fortuner na may plakang UN 338 sa pambansang lansangan na nasasakupan ng Brgy. Sinippil, Reina Mercedes, Isabela.

Ang namatay ay si Jefferson Lasam, 29-anyos,may-asawa at residente ng Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, binabagtas ng biktima sakay ng kaniyang motorsiklo ang timog na direksyon. Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente, nag overtake ito sa sinusundang sasakyan, ngunit bumunggo ito sa paparating na SUV.

Agad dinala sa pagamutan ang biktima ng mga kasapi ng Rescue 922 para malapatan ang tinamong sugat nito sa ulo.

--Ads--

Idineklara rin siyang dead on arrival ng kaniyang attending physician.

Pinaghahanap ngayon ang tsuper ng puting fortuner na tumakas matapos ang aksidente.